WHO, hinimok ang mga bansa na bawasan ang emission ng mga nagpaparumi sa hangin

Hinimok ng World Health Organisation (WHO) ang mga bansa na dabat bawasan ang emission ng mga nagpapadumi sa hangin.

Ginawa ng WHO ang apela sa gitna ng dumaraming naapektuhan ng haze mula sa nasusunog na mga kagubatan sa Indonesia.

Payo ng WHO, dapat nang iwasan ang pagtangkilik sa mga bagay na nakakadagdag ng mga air pollutants katulad ng black carbon, ozone at methane.

Kasabay nito, hinikayat ng WHO ang lahat ng bansa na agad magpatupad ng mga hakbang para mabawasan ang emission o mga gawaing nagpaparumi sa hangin.

Ito’y para maprotektahan anila ang kalusugan ng tao at maiwasan ang pagkakasakit at maagang kamatayan.

Nabatid na mahigit 3 hanggang 5 milyon katao ang masasagip bawat taon hanggang sa 2050 kung maipatutupad kaagad ang apelang ito ng WHO.

Speak Your Mind

*