Willie Revillame, ipinagtanggol ni celebrity talk show host Boy Abunda

Ipinagtanggol din ng beteranong celebrity talk show host na si Boy Abunda si Willi Revillame sa kasong kinasasangkutan nito.

Ipinag-utos kamakailan nang Court of Appeal ang pag-aresto kay Revillame dahil sa kasong child abuse and exploitations.

Ayon kay Abunda hindi nag-iisa si Willie na dapat managot sa nasabing insidente na kung saan ang anim na taong gulang na batang si Jan-Jan ay pinasayaw umano ng malaswa sa national television.

Sinabi ni Abunda na hindi inabuso ni Willie ang bata, at dapat na itanong dito kung ano ang ginagawa niya at sino ang kaniyang kasama nang mangyari ang insidente.

Napansin din umano ni Boy sa mga nakaraang interbyu kay Jan-Jan na hindi pwersahang pinasayaw ni willie ang bata bagkus mga manonood pa sa loob ng studio ang nagtse-cheer para sa magandang performance sa pagiling-giling na sayaw ni Jan-Jan.

Unfair umano kay Revillame na sa kaniya lahat isisi ang anumang sakit nang kultura na mayroon tayo ngayon sa Pilipinas.

Speak Your Mind

*