2 drug personalities sa Pozorrubio, natimbog sa magkahiwalay na buy bust operations

Bagama’t halos lahat ng kapulisan nitong undas ay tutok sa sementeryo ay hindi pa rin naman nila isinantabi ang anti-illegal drugs operation.

Sa bayan ng Pozorrubio ay naging matagumpay ang operasyon ng mga police laban sa Totsie Group, kilalang grupo ng illegal drug dealer.

Naaresto ng otoridad sa magkahiwalay na drug buy bust operations sina Junalyn Artiende, tubong Zamboang del Sur, kasalukuyang naninirahan sa barangay Alipangpang at Mario de Guzman, residente ng barangay Bantugan, sa nasabing bayan.

Ayon kay Chief Inspector Ryan Manongdo, sina Artiende at De Guzman ay maituturing na small-time pushers. Ang lider ng grupo ay naaresto na ng otoridad.

Naisampa na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensice Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.

Speak Your Mind

*