24 hour truck ban sa Roxas Boulevard, ipatutupad

Istriktong ipatutupad ng pamahalaan ang truck ban mula November 16 hanggang 20 bilang bahagi ng paghahanda ng pamahalaan sa gaganaping 2015 APEC Economic World Leaders meeting sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, walang truk ang papayagang dumaan sa Roxas Boulevard sa panahon ng APEC Week habang day time truck ban naman ang ipatutupad sa South Truck Route.

Muling humingi ng pang-unawa ang Palasyo sa mga maapektuhan sa traffic scheme na ipatutupad ng pamahalaan dahil sa APEC bunsod na rin sa pagtiyak sa kaligtasan ng mga delegado.

Nagpaalala naman ang palasyo na magkakaroon ng paghihigpit ng seguridad at no fly zone sa Ninoy Aquino International Airport sa November 17, 19 at 20 na siyang mga araw na inaasahang darating at aalis ng bansa ang mga World Leaders.

Speak Your Mind

*