4th Impact, bigong umabante sa nagpapatuloy na X factor UK

Bigo nang umabante sa nagpapatuloy na X Factor UK ang all-filipina group na 4th Impact matapos makakuha ng mababang boto

Sa isinagawang botohan, nagkaroon ng deadlock sa boto ng mga judges, ito ay matapos mapunta sa sa bottom two ang 4th Impact at si Lauren Murray.

Ang mga hurado na sina Rita Ora at Nick Grimshaw ay nagdesisyon na panatilihin sa kompetisyon si Murray, habang sina Simon Cowell at ang mentor ng 4th Impact na si Cheryl Fernandez-Versini ay nagpasyang na panatilihin ang 4th Impact.

Dahil sa deadlock sa boto ng mga hurado, ang boto ng public vote ang pinagbatayan ngunit ang 4th Impact ang natanggal sa kompetisyon dahil sa mababang nakuhang boto

Dahil sa nasabing botohan, naiwan sa kompetisyon si Ché Chesterman, Louisa Johnson, Lauren Murray at Reggie N Bollie.

Sa ikalimang live show ng X Factor UK, inawit ng magkakapatid ang I’ll Be There ng Jackson 5 at Fancy ni Iggy Azalea.

Speak Your Mind

*