4th Impact, pasok na sa double elimination round ng the X factor UK

Pasok na ang all-filipina group na 4th Impact sa top 9 makarang makalusot sa double elimination round ng the X Factor UK.

Sa isinagawang elimination matapos ang ikalawang live show noong sabado, unang naideklarang ‘safe’ o ligtas sa tanggalan ngayong linggo ang 4th Impact.

Pasok din sa top 9 sina Max Stone, Louisa Johnson, Reggie N Bollie, Monica Michael, Che Chesterman, Lauren Murray, at Anton Stephans.

Inanunsyo namang nasa bottom 3 si Mason Noise, Kiera Weathers at si Seann Miley Moore matapos nakakuha ng pinakamababang boto

 

Speak Your Mind

*