65,000 botante sa Pangasinan, hindi nakapag-pa-biometrics ayon sa Comelec

Aabot sa 65,000 botante ang hindi nakapag-pa-biometrics sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Atty. Marino Salas, ang Provincial Election Supervisor ng Pangasinan, ang nabanggit na bilang ay katumbas ng 3.85 percent ng kabuuang bilang ng botante sa lalawigan.

Sa ngayon ay mahigit 1.7 million ang botante sa Pangasinan.

Sinabi ni Salas na hindi naman nagkulang ang comelec sa kampanya para hikayatin ang mga ito na magpa-biometrics.

Mahaba na rin ang ibinigay na pagkakataon dahil nag-umpisa na ito noon pang may 2014.

Speak Your Mind

*