7 katao, timbog sa Oplan Lambat-Sibat ng San Fabian PNP

Arestado ang 7 katao sa inilunsad na Anti-Illegal Drugs Operations ng San Fabian Police na kaakibat pa rin ng pagpapatupad ng Oplan Lambat-Sibat.

Ayon kay Police Chief Inspector Crisante Sadino, ang hepe ng San Fabian, sa unang operasyon ay nakipag-habulan pa ang mga police sa isang truck matapos na nilagpasan ng grupo ang checkpoint sa Barangay Cayanga.

Naabutan at naharang ng mga police ang truck sa Poblacion Area.

Apat na pakete ng hinihinalang shabu ang nakuha sa tatlong pahinante ng truck.

Sa isa pang operasyon ay nasakote naman ng San Fabian Police ang apat na residente ng Nueva Ecija na sakay ng multi-cab at tricycle.

Nakumpiska sa mga suspeks ang pakete ng hinihinalang shabu at ilang bala ng baril.

Ang isa sa mga suspek ay top six drug personality sa San Fabian.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga nahuling suspeks.

Speak Your Mind

*