Abot sa 500 nitso sa Lingayen Municipal Cemetery, lubog sa tubig baha

Nahirapan ang ilang bumisita sa Municipal Cemetery sa bayan ng Lingayen, sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Abot binti pa ang tubig baha sa ilang bahagi ng sementeryo kaya ang ilan ay nagbota.

Samantalang, mayroon namang lumusong na walang protective gear at ang ilan naman ay hindi na nila pinuntahan ang puntod ng kanilang mahal.

Ayon kay Marcelino Yabres, ang caretaker ng sementeryo ginawan na ng remedyo na humupa ang tubig baha sa lugar sa pamamagitan ng pag-pa-pump noong Biyernes at Sabado ng umaga ngunit umulan namanĀ  ng dakong hapon.

Halos 500 nitso ang lubog pa rin sa tubig baha sa nasabing sementeryo.

Speak Your Mind

*