Afghanistan Presidential Palace, nilusob ng mga raliyista

Galit na sumugod sa Afghanistan Presidential Palace sa Kabul, Afganistan dala ang mga kabaong ng mga raliyista na panibagong biktima ng pamumugot ng ISIS Militanats.

Dahil sa init ng protesta, sinubukang buwagin ng Presidential Security Forces ang mga raliyista sa pamamagitan ng pagpapaputok ng warning shot ngunit hindi natinag at pilit na pinapasok ang bungad ng palasyo.

Sa nasabing kaguluhan, inihayag ng Afghan Health Ministry Spokesman na nagresulta ito sa pagkasugat ng pitong katao kasama na ang biktima ng ligaw na bala mula sa mga warning shots na binitawan ng Afgan Security Forces.

Nanawagan naman si Afganistan President Mohammad Ashraf Ghani na manatiling kalmado at mananatiling magkaisa sa paninindigan laban sa karahasan ng ISIS.

Speak Your Mind

*