Amalia Fuentes, patuloy na humihingi ng dalangin matapos ma-stroke

Matinding paghihirap ang pinagdaraanan ngayon nang beteranang aktres na si Amalia Fuentes matapos ma-stroke habang nagbabakasyon sa South Korea nitong nakaraang buwan.

Dahil dito, nakikiusap ang mga kamag-anak nang aktres sa lahat na ipagdasal ang mabilis na paggaling ni Amalia.

Unti-unti nang gumaganda ang kondisyon nang aktres subalit hindi pa lubusang nakakarekober na kasalukuyan pa ring naka-confine sa isang ospital dito sa Pilipinas.

At sa oras na gumaling ang aktres at makalabas nang ospital ay sasailalim din si Amalia sa mahabang therapy para masiguro ang kaniyang tuluyang paggaling.

Si amalia ang ina ni Liezl Martinez na nauna nang namayapa dahil sa kanser.

Speak Your Mind

*