Angelica Panganiban, hindi parin sinusukuan si Mayor Duterte

Hanggang ngayon ay nanghihinayang parin ang aktres na si Angelica Panganiban dahil hindi tumuloy si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Presidential Race sa 2016 elections.

Sa kanyang instagram post, may ilang araw na ang nakararaan, sinabi ni Angelica na baka hindi na lang siya boboto dahil hindi tatakbo si Mayor Duterte.

Sakali naman aniya ng matuloy sa pagka-presidente si Duterte ay willing siyang maging spokesperson nito.

Isa umano kung bakit si Duterte ang ikinakampanya ni Angelica ay dahil kailangan ng bansa ang isang taong mapapatigil sa kalokohan at kawalang disiplina ng tao.

Speak Your Mind

*