Angelica Yap, sumisigaw ng hustisya sa pagpatay sa kanyang ina

Nanawagan sa  mga otoridad si Noontime TV Personality  Angelica Yap, na mas kilala sa tawag na “Pastillas Girl” para sa mabilis na pagresolba sa kaso ng pagpaslang  sa kanyang  ina.

Sinabi ni Yap na nais niyang mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang inang si Teresita Yap.

Aminado si Yap na hindi niya agad mapapatawad ang pumaslang sa kaniyang ina dahil sa sakit na nararamdaman ng kanilang pamilya.

Sa  ngayon ay pinag-aaralan na ng mga otoridad ang kuha ng CCTV Camera sa lugar kung saan  nangyari ang  pagbaril.

Ayon sa Caloocan  PNP pinag aaralan nila ang anggulong  sinasabing pagbabantang natatanggap   ni  Yap sa  kaniyang buhay at ang pagiging kagawad nito ng Barangay.

Speak Your Mind

*