Apec leaders summit, malaking tulong sa pag-angat ng turismo

Buong pagmamalaking inihayag ni Tourism Sec. Ramon Jimenez na malaking tulong para lumakas pa ang turismo ng bansa kaugnay nang gaganaping APEC Leaders Summit ngayong buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Jimenez, pagkakataon ito upang maibida ng Pilipinas ang kagandahan ng ating mga lugar at ang mainit na pagtanggap nating mga pilipino sa mga delegado at World Leaders na darating.

Maari umanong maglibot o magkaroon ng mga tours ang mga delegado ng iba’t ibang bansa kung naisin man nila sa pagitan ng kanilang bawat mga pagpupulong hinggil sa mga isyung kanilang tatalakayin.

Bukas opisyal nang bubuksan ang APEC Expo Philipppines 2015 sa susundan naman ng mga Business Press Conference na tumatalakay sa mga usapin sa APEC Summit.

Habang sa darating na linggo ay magsisimula nang magdatingan sa bansa ang mga Heads of State.

Speak Your Mind

*