Apela ng mga idineklarang nuisance candidates, sisimulan nang dinggin ng Comelec

Sisimulan na ngayong linggo ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdinig sa mga apela sa Certificate of Candidacy (COC) ng mga idineklarang nuisance candidates.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, nagpadala na sila ng mga liham bilang imbitasyon sa lahat ng mga naghain ng COC para ipaalam kung sila ay kuwalipikado o hindi sa darating na halalan.

Sinabi pa ni Bautista na marami sa mga presidential wannabee ay hindi naman dumarating sa hearing, katulad ng mga nagdaang eleksyon.

Sa gagawing hearing ay bibigyan ng pagkakataon ng Comelec ang mga kandidatong ipagtanggol ang kanilang kandidatura at hindi ang ibang forum na hindi sakop ng poll body.

Speak Your Mind

*