Apela ni Sen. Poe na pag-isahin ang mga Disqualification Cases laban sa kanya, ibinasura

Ibinasura ng commission on Elections (COME­LEC) ang apela ng kampo ni Senador Grace Poe na pag-isahin ang mga Disqualification  Cases laban sa kanya.

Hindi pinayagan ng COMELEC Second Division na ang mga kasong isinampa nina Atty. Estrella Elamparo, dating Senador Francisco “Kit” Tatad, De La Salle University Prof. Antonio Contreras at University of the East Dean Amado Valdez ay pagkaisahin.

Ito’y bagamat iisa ang hangarin ng kanilang pagsampa at ito ay ang pagsawalang bisa ng Inihaing Certificate of Candidacy ni Poe bilang pangulo sa 2016.

Bagamat pumayag sina Tatad at Valdez na pagkaisahin na nila ang kanilang kaso sa First Division ay hindi naman pumayag dito si Contreras dahil ang kanyang petisyon ay tumatalakay sa residency issue.

Nauna ng ibinasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang Disqualification Case laban kay Poe dahil pinagtuunan na lamang ng tribunal ang citizenship issue imbes na sa residency issue.

Speak Your Mind

*