ARMM, kabilang sa may mababang literacy rate

Kabilang ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa isang government survey sa may pinakamataas na bilang ng student dropout rate sa buong bansa.

Sa survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), bukod sa ARMM, kabilang din ang ang Socsargen at Davao Regions, kung saan sa ARMM, pumalo sa 14% ang dropout rate at sinundan ito ng Socsargen na may 12.3% at Davao Region sa 12.2%.

Ayon sa functional literacy, education and mass media survey, nilampasan pa ng tatlong rehiyon ang national dropout rate na 10%.

Ang survey ay siyang nagbibigay ng baseline information ukol sa education and literacy status ng mga pinoy mula 10 taong gulang pataas.

Ang survey ay ginawa sa 26,000 households at doon napag-alaman na 26% ng dropout ay tumigil sa pag-aaral upang maghanap ng trabaho; 17.7% naman ang nag-asawa at 16.5% ang nawalan ng ganang mag-aral.

Speak Your Mind

*