Autopro-Pangasinan, umalma sa pagtaas ng babayarang buwis sa BIR

Magsasagawa ng konsultasyon ang Alliance of Concerned Transport Organization (AUTOPRO) –Pangasinan sa mga jeepney operators kung itutuloy ang tigil pasada bilang pagtuligsa sa pagtaas ng kanilang buwis.

Nagkaroon ng talakayan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) Calasiao Revenue Distrist Office at mga jeepney operators.

Ipinaliwanag ni Revenue District Officer Fely Simon ang pagkwenta sa bayaring buwis ng mga jeepney operators.

Umalma ang mga autopro dahil ito ay mas mataas sa kasalukuyan nilang binabayaran na 150 pesos kada buwan.

Sampung taon na umano silang nagbabayad ng nabanggit na halaga.

Sa bagong kompyutasyon ay 200 pesos ang kinakailangang bayaran ng mga jeepney operators.

Ayon kay Benny Aquino, ang presidente ng Autopro-Pangasinan hiling ng mga jeepney operators na huwag munang galawin ang dati nilang binabayaran.

Speak Your Mind

*