Aviation Security Group Officials, ipinatawag sa Malacañang

Ipinatawag na ng malakanyang ang mga opisyal ng PNP Aviation Group sa pangunguna ng kanilang Director Chief Supt. Francisco Balagtas.

Inaasahang magpapaliwanag ang grupo ni Balagtas hinggil sa isyu ng laglag tanim bala modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Una rito, marami na ang nananawagan sa Pangulong Noynoy Aquino na silipin na ang laglag tanim bala modus sa NAIA dahil maaari itong makasama sa imahe ng Pilipinas sa ibang bansa.

Pinakahuling sinita sa NAIA dahil sa di umano’y pagdadala ng bala ang isang 65-taong gulang na lola na patungo sana sa Singapore.

Speak Your Mind

*