Azkals, titiyaking maipapanalo ang laban kontra Yemen

TITIYAKING maipanalo ng Philippine Azkals ang laban sa Yemen mamayang gabi sa Rizal Memorial Stadium para manatiling buhay ang pag-asang makapasok sa susunod na round ng 2018 World Cup Qualifier.

Ito ayon kay Azkals Coach Thomas Dooley ay kahit hindi makakapaglaro ang striker/team captain na si Phil Younghusband.

Pansamantala umanong hahalili si Stephan Schrock na siyang magsusuot ng captain’s armband kapalit ng suspindidong si Younghusband.

Nakatakda ding humalili si Roland Muller bilang goal keeper dahil sa natamong leg injury ni Neil Etheridge.

Bukod sa Yemen, kailangan ding manalo ng Azkals laban sa mas malakas na koponan ng Uzbekistan at North Korea sa March 2016 para makapasok sa third round ng torneo.

Speak Your Mind

*