Babae sa Afghanistan, binato hanggang mapatay dahil sa adultery

Nauwi sa kamatayan ang pambabato sa isang 19-anyos na babae sa Afghanistan dahil sa adultery o pagtataksil.

Naganap ang insidente sa lalawigan ng Ghor kung saan ito ang lugar na kontrolado ng militanteng Taliban.

Sinabi ni Seema Joyenda, gobernador ng Ghor province, ang biktimang si Rokhshana ay pinilit na ikasal sa isang lalaki na hindi naman nito gusto.

Dahil dito, tumakas si Rohkshana kasama ang ibang lalaki pero ilang araw lang ay nahuli ang mga ito kaya ipinag-utos ng Taliban na batuhin ito hanggang mamatay.

Sinabi pa ni Gov. Joyenda, napaiyak na lamang siya nang kumalat ang video ng pagpatay kay Rokhshana, kung saan makikita na nakatayo ito at pinalibutan ng mga lalaki na siyang nagbabato sa kaniya.

Ngunit wala aniya silang magawa para maitaboy ang Taliban dahil kulang sila sa puwersa at armas.

Speak Your Mind

*