Baratilyo sa Dagupan City, magbubukas sa November 16

Pormal na magbubukas ang tianggehan o baratilyo sa lungsod ng Dagupan sa Nobyembre a-dise sais.

Ang baratilyo ay matatagpuan sa Galvan at Jovellanos Street.

Kasabay naman ng pagbubukas ng tianggehan ang foodstrip sa Zamora Street.

Sa November 20 naman ay gaganapin ang Tinday Labi.

Sinabi ni Jaime Serna Jr., ang OIC ng Anti-Littering naabisuhan na nila ang mga ambulant vendors hinggil sa pag-uumpisa ng baratilyo.

Dagdag nito na batid na rin nila kung saan sila pupwesto habang nakapwesto pa ang mga negosyante sa baratilyo at foodstrip.

Speak Your Mind

*