Batang Gilas, laglag na sa FIBA Asia Under-16 quarterfinals

Laglag na ang Batang Gilas sa quarterfinal round ng 2015 FIBA Asia Under-16 Championship matapos kapusin sa kamay ng Japan sa score na 73-66 sa britama arena sa Jakarta, Indonesia.

Sa unang quarter pa lamang ng laro ay gumawa na ang Japan ng 15-0 run habang ilang beses na nagmintis ang mga tira ng mga Pinoy.

Tinangka ng Batang Gilas na makabawi sa mga sumunod na quarter, pero hindi ito sapat para talunin ang mga pambato ng Japan.

Dahil dito, wala nang pag-asang makakakuha ang Philippine national youth basketball team ng isa sa tatlong puwesto sa FIBA Under-17 World Championship sa susunod na taon.

Speak Your Mind

*