Batang Gilas, pinataob ang koponan ng China sa 2015 FIBA Asia Under 16

Pinataob nang Batang Gilas ang mga manlalaro nang China sa iskor na 72-67 sa pagpapatuloy nang 2015 fiba asia under-16 na ginaganap sa Britama Arena sa Indonesia.

GItgitan ang laban na muntikan nang makalamang ang China subalit bumawi ang Batang Gilas nang magkaroon nang 11-0 run hanggang umabante ang iskor nang mga bata sa China.

Ito ang unang pagkakataon na matalo ang koponan nang China sa under-16 tournament simula noong 2009.

Tatlong gintong medalya na ang nasungkit nang China sa tournament na tinatawag na Biennial Events.

Sa kasalukuyan ay tabla sa unang pwesto nang group F ang China, Philippines at South Korea na may 4-1 na rekord.

Magsisimula na bukas araw nang huwebes ang quarterfinals nang tournament.

Magugunita na noong taong 2013 ay pumangalawa ang Pilipinas sa kaparehong torneo.

Speak Your Mind

*