Batang Pier, umaasang makakabawi sa matamlay na performance si Terrence Romeo

Umaasa ngayon ang team management ng Global Port Batang Pier na makakabawi na agad si PBA Scoring Champ Terrence Romeo matapos itong magkaroon ng slow start sa nagpapatuloy na PBA Conference.

Ayon kay Batang Pier Coach Pido Jarencio, pagod si Terrence sa sunod-sunod na stint nito para sa Gilas Pilipinas at sa Gilas 3×3 Championships sa mga nakalipas na buwan.

Bawas ngayon ang playing time ni Terrence sa court dahil sa matamlay na performance na ipinapakita nito sa mga laro ng koponan.

Sa huling laro ng Batang Pier, kumana si Romeo ng 20 points para matalo ang Starhot Shots 104-94.

Titignan din aniya ng koponan ang mga adjustments na kanilang gagawin o di kayay plays na ipapagawa kay Romeo sa susunod nilang game kontra Barako Bull Energy Cola ngayong November 8.

Speak Your Mind

*