Belenismo, nagiging pangunahing atraksyon ngayon sa Moncada, Tarlac

Dinarayo ngayon ang Belenismo sa bayan ng Moncada sa lalawigan ng Tarlac.

Ang belenismo ay gawa sa mga recycled materials gaya ng tansan, talaib, plastic bottles at iba pa.

Sa tulong naman ng mga christmas lights ay lalo itong nabibigyan ng buhay.

Sinabi ni Ramil Tongcoy, ang artist designer na ang konsepto nila ngayon sa paggawa ngĀ  belenismo ay Fountain of Grace.

Ayon kay Tongcoy, nasukat ang kanilang katatagan sa paggawa ng proyekto nang manalasa ang bagyong Lando dahil nabasa at nasira ito.

Tatlong buwan rin ang ginugol nila sa paggawa ng nasabing proyekto.

Gayunman, dahil sa paniniwalang umaapaw ang pagpapala ay muling ginawa ang belenismo, na ngayon ay nagiging pangunahing atraksyon sa bayan ng Moncada at nakakatulong naman sa turismo ng Tarlac.

Speak Your Mind

*