Bentahan ng Christmas decor sa Dagupan, ininspeksyon ng BFP

Nagsagawa na ng inspeksyon ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod ng Dagupan sa pwesto ng nagbebenta ng lanterns sa barangay Caranglaan.

Ayon kay SFO3 Ramil Fernandez ang karaniwang paglabag na nakita nila sa mga pwesto ng mga lanterns ay ang paggamit ng octupos connection.

Paalala naman ni Fernandez sa mga negosyante na mahalaga ang paglalagay ng circuit breaker para sa kanilang kaligtasan at mahalaga rin ang pagkakaroon ng bago at de kalidad ang mga extension.

Nabatid na ang mga nagbebenta ng ibat-ibang klase ng Lanterns sa lugar ay nakapwesto na noong pang Setyembre.

Inaasahan na mauulit pa ang isasagawang inspeksyon ng BFP sa mga pwesto lalo’t papalapit na ang holiday season.

Speak Your Mind

*