BFP Dagupan City, mahigpit ang isinasagawang inspection

Mahigpit ang isinasagawang inspeksyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga establisemyento dahil sa inaasahang pagdagsa ng mamimili ngayong papalapit na ang Christmas Season.

Ayon kay SFO3 Eric Ninalga, ang inspector ng BFP sa lungsod ng Dagupan sa kanilang paglilibot ay masusi nilang sinisiyasat ang fire exit, ang kaluwang ng mga pinaglalagyan ng paninda, mga gamit sa pag-apula ng abutan at dapat malayo ang mga ilaw sa display section.

Kapag nakakitaan ng paglabag ang isang establisemyento ay kinakailangan na ma-clear na ang problema o magawaan ng paraan sa loob ng bente kwatro oras na grace period ay magbabayad ang mga negosyante ng kaukulang multa.

Ilan sa mga nabisto ng otoridad na paglabag ay ang pagkakasara ng fire hose cabinet, hindi nakasaksak ang emergency light, kawalan ng fire alarm system at lumang fire extinguisher.

Speak Your Mind

*