Bilang ng mga nakapag-pa-biometrics sa Pangasinan, malalaman pa sa Nov. 16

Wala pang eksaktong bilang kung ilan ang rehistradong botante sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Atty. Marino Salas, ang Provincial Election Supervisor ng Commission on Elections (Comelec)-Pangasinan magkakaroon pa ng Election Regulatory Board (ERB) hearing sa November 16.

Sa ERB hearing ay sasalain ang mga aplikasyon, registration at validation.

Pagkatapos ng nasabing petsa ay saka pa lang malalaman ang bilang ng mga nagpa-biometrics na humabol sa itinakdang deadling nitong Oktubre a-trentay uno na makakaboto sa May 2016 election.

Speak Your Mind

*