Bilang ng mga registered votes sa Pangasinan, mas mababa ngayong taon

Bumaba ang bilang ng mga registered votes sa lalawigan ng Pangasinan base sa inilabas na resulta ng isang linggong Election Registration Board Hearing ng Comelec.

Sa ngayon, pumapalo na lamang sa 1,705,261 ang bilang ng mga botante na maaring makaboto sa darating na halalan 2016 mas mababa kumpara sa 1,722,000 na mga botante noong eleksyon 2013.

Ayon kay Election Supervisor Atty. Marino Salas, bunga ito ng isinagawang biomatetric at validation ng mga botante dahilan para luminis ang kanilang listahan.

Sinabi naman ni Salas na ang siyam napung porsyentong nawala sa listahan ay ang mga botanteng lumipat na nang tirahan, at mga namatay nang botante na inalis narin sa listahan.

Nilinaw naman ng Comelec-Pangasinan na kunti lamang sa hindi napasama sa listahan ang mga botanteng hindi nakahabol sa ipinatupad nilang biometric registation.

Speak Your Mind

*