Bilang ng pamilyang walang makain, dumami ayon sa SWS Survey

Pormal nang ipinagkaloob ni Department of Agriculture (DA) Secretary Proseso Alcala ang limang rice processing centers (rpcs) sa mga kooperatiba sa bayan ng licab, lalawigan ng nueva ecija.

Ayon kay da regional director andrew villacorta ang mga binigyan ay ang bantug agricultural multi-purpose cooperatives, anak bukid producers cooperative, barangay aquino development cooperative, talabutab norte primary multi-purpose cooperative at bagong buhay ng mabini multi-purpose cooperative.

Sinabi ni villacorta na malaking tulong sa mga magsasaka ng myembro ng kooperatiba ang pasilidad para makabawi sa kanilang mga nasirang mga pananim at maging de kalidad ang napo-prodyus nilang bigas.

Bukod sa rice processing center ay binigyan din ang mga benepisaryo ng farm machineries at post-harvest facilities tulad ng palad shreder, combine harvester, mini four-wheel tractor, rice reaper at hand tractor with trailer.

Speak Your Mind

*