Bintahan ng mga commercial rice sa Pangasinan, matumal

Matamlay ang naging bintahan ng mga commercial rice sa lalawigan ng Pangasinan dalawang linggo makaraang manalasa ang bagyong Lando kahit na bumaba ang presyo nito sa merkado.

Ito ayon sa National Food Authority o NFA Western Pangasinan na kahit na pumalo sa 2.4 bilyong pesos ang pinsala ni Lando sa agrikultura sa Pangasinan, hindi naman direktang naapiktuhan nito ang mga magsasaka ng palay dahil karamihan sa kanila ay nakapag-ani na.

Sa ngayon mabibili ang bigas sa mga pamilihan sa halagang P28 hangang P35 kada kilo mula sa dati nitong presyo na P42 hanggang P45 kada kilo.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Sulpicio Terrado Jr., ng NFA Western Pangasinan, na mayroong sapat na stock na palay sa mga warehouse ng NFA hanggang buwan ng Disyembre at sa unang bahagi ng taong 2016.

Speak Your Mind

*