Binyag ng baby nina Dingdong at Mariane, itinakda na

Itinakda na ng proud celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang araw at petsa ng binyag ng kanilang baby na si Maria Letizia.

Plano sana nang mag-asawa na itapat sa petsa nang kanilang kasal sa Disyembre a-trenta subalit ipinagpaliban ito at itinakda na lang sa buwan ng Enero.

Gaganapin ang binyag sa Immaculate Concepcion Cathedral kung saan doon din ginanap ang kasal ng mag-asawang Marian at Dong noong nakaraang taon.

Magugunita na nananganak si Marian noong madaling araw nang Lunes sa isang ospital sa Makati City.

Natutuwa naman ang mag-asawa dahil sa walang poknat na pagbati ang kanilang natatanggap mula sa kanilang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Speak Your Mind

*