BJMP-Dagupan Inmates, kumikita ngayon sa paggawa ng parol

Abala ngayon ang mga preso sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod ng Dagupan sa paggawa ng mga parol.

Ito ay bahagi ng Livelihood Program ng mga inmates.

Ang mga gagawing parol ng mga inmates ay order na ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan.

Malaking tulong naman ang kikitain ng mga preso sa paggawa ng parol para sa kanilang pamilya, gayundin sa BJMP.

Ayon kay Joi Marie Grace Vinluan, bahagi ng malilikom na pundo sa proyekto ay gagamitin na pambili ng stock na gamot sa BJMP Clinic.

Layunin nito na mapangalagaan ang kalusugan ng mga inmates lalo na ang mga senior citizens.

Speak Your Mind

*