BSP, pinaigting ang kampanya para makaiwas sa pekeng pera

Pinalalawig ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kampanya para makaiwas ang mamamayan sa pagtanggap ng pekeng pera.

Sinabi ni Lourdes Manaois, ang Research Specialist ng BSP-Dagupan na umiikot sila sa lahat ng munisipyo sa pangasinan para ituro ang security features ng pera.

Binigyang diin ng BSP na mahalagang malaman ang security features ng pera upang madaling matukoy kung peke ang pera na ibinabayad o isinusukli ng ibang tao.

Inihalimbawa nito ang 1,000 peso bill na dapat ay tignan ang water mark na nasa puting bahagi ng pera kapag inaninag ito ay makikita ang mga bayani na nakikita sa harapan nito.

Ang karagdagang feature din ng new generation currency o bagong pera ay makikita ang denomination sa puting bahagi ng pera, kapag inaninag ay makikita ang figure na 1,000.

Maaari ding matukoy kung peke ang pera sa pagtingin sa security thread.

Paliwanag ng BSP na ang totoong pera ay matingkad ang kulay at nagbabago, mula pula ay magiging berde kapag inaninag ang pera sa iba’t ibang anggulo.

Speak Your Mind

*