Bulacan Governor Alvarado, muling kinilala ng Superbrands

Muling kinilala ng Superbrands Marketing International Incorporated si Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado bilang “Outstanding Governorship Awardee”

Kasama niyang Awardees ngayong taon ay sina Mujiv Hataman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, Faustino Dy III ng Isabela, Corazon Nunez-Malanyaon ng Davao Oriental, Imee Marcos ng Ilocos Norte, at Migz Villafuerte ng Camarines Sur.

Ipinahayag ng Superbrands na ang sikreto sa tagumpay ng Pamahalaang Panlalawigan ay ang mahusay at mapanagutang pamamahala na nagbunga ng matagumpay na mga programa at proyekto na nagpa-angat sa antas ng kabuhayan ng bawat Bulakenyo.

Sinabi ni Alvarado na ang pagiging punong lalawigan ay hindi birong propesyon at kung ang isang pinuno ay mahusay sa kanyang paglilingkod ito ay magbubunga ito ng pagkakaisa at kapayapaan lalo’t higit kung tapat ang kanyang paglilingkod na gabayan ang publiko sa pagtahak sa tamang landas.

Ang Superbrands ay isang internasyunal na parangal na nagbibigay pagkilala hindi lamang sa mga natatanging produkto ngunit maging sa mga mahuhusay na lider ng bansa.

Speak Your Mind

*