CDRRMC Dagupan, itinuturo ang mga dapat gawin tuwing may kalamidad

Naglilibot ngayon ang Dagupan City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) sa mga barangay sa siyudad para sa Family Disaster Preparedness Seminar.

Sinabi ni Ronald de Guzman, ang Officer-In-Charge ng CDRRMC na pumupunta ang kanyang grupo katuwang ang mga barangay volunteers sa mga sitio para turuan ang mga mamamayan ng dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng isang kalamidad.

Apat na paksa ang ibinabahagi ng CDRRMC sa mga Dagupeno na kinabibilangan ng bagyo, pagbaha, lindol at tsunami.

Kinakailangan rin ang paghahanda ng 72 hour emergency kit na naglalaman ng pagkain, gamot, flashlight, kapote, tali, gamit sa pagkain at mga mahahalagang dokumento.

Paliwanag ni de Guzman sa sonshine radio na sa loob ng 72 oras o tatlong araw ay maaaring mahirapan pa ang gobyerno na magbigay tulong sa mga mamamayan dahil maaaring mayroong bumagsak na poste o natumbang puno sa daan, na mahirapan makapunta sa isang lugar ang mga nagbibigay ng relief goods.

Speak Your Mind

*