Chibueze Ikeh ng Ateneo Blue Eagles, arestado dahil sa kasong domestic violence

Arestado ang isang basketbolista ng ateneo blue eagles matapos ireklamo ng paglabag sa Republic Act 9262, o ang Violence Against Women and their Children.

Hinuli ng mga tauhan ng Quezon City Police District si Chibueze Ikeh sa loob ng Araneta Coliseum matapos nilang talunin ang UP Fighting Maroon sa iskor na 74-65.

Sa ngayon, nakakulong si Ikeh sa Camp Karingal at kinakailangang magbayad ng piyansang nagkakahalaga ng P24,000.

Ito na ang ikalawang insidenteng kinasangkutan ng manlalaro ng ateneo ngayong UAAP Season 78.

Unang naharap sa kotrobersiya si John Apacible na kumalat ang video sa social media habang nagwawala sa kalsada.

Speak Your Mind

*