Chile, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol

Niyanig ng 6.9 magnitude na lindol ang karagatang sakop ng Chile sa kanlurang bahagi ng coquimbo.

Unang naitala ng United States Geological Survey ang pagyanig sa magnitude 6.6 pero itinaas ito sa 6.9.

Wala namang inilabas na tsunami warning ang Pacific tsunami warning center matapos ang lindol.

Noong setyembre, niyanig ng 8.3 magnitude na lindol ang Chile na ikinasawi ng 15 katao.

Ang chile ay malimit na makaranas ng lindol kung saan pinakamalakas ay naitala noong 1960 na nasa magnitude 9.5 at 2010 na nasa magnitude 8.8.

Speak Your Mind

*