China at Russia, global threat daw sa usaping pagkapayapaan

Inakusahan ni US Defense Secretary Ash Carter ang Russia at China sa panggugulo sa kaayusan sa buong mundo.

Ayon kay Carter, ang serye ng pag-atake ng Russia sa Ukraine at ang mga usapin ukol sa nuclear weapons ang ilan sa mga ebidensiya na malaki ang pananagutan ng Russia sa usapin ng kapayapaan.

Tinukoy din si Carter ang paggamit ng China sa militar bilang banta sa kaayusan sa pagitan ng iba’t-ibang bansa.

Giit niya na maghahanap ang kanilang paraan ng mas epektibong hakbang upang masigurong mapoprotektahan nila ang mga kaalyadong bansa ng Estados Unidos.

Speak Your Mind

*