China, handang sampahan ng kaso ng Amerika kaugnay sa cyber attack

NAKAHANDA ang bansang amerika na magsampa nang kaso laban sa China kung ipagpapatuloy nito ang cyber attack sa industriya nang United States.

Magugunita na nagkaroon nang kasunduan noong buwan nang Septyembre ang China at U.S. na ititigil na ang pagha-hack sa mga teknolohiya nang mga pribadong kopanya sa Amerika.

Pitong cyber attacks na umanoy kagagawan nang Beijing ang natukoy kamakailan na nag-hack sa technology at pharmaceutical companies sa U.S.

Ayon kay Justice Department Official John Carlin, dapat managot ang mga mahuhuli na responsible sa hacking.

Nagpahayag naman ang China na masigasig din nilang isinusulong ang cyber security dahil maging sila aniya ay biktima din nang hacking.

Speak Your Mind

*