China, pinakalma ng Amerika kaugnay sa South China Sea

Pinakalma nang Amerika ang gobiyerno nang Beijig China sa pangambang nagmamanman na ang pagpapatrolya nang barkong pandigma nang U.S. Sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Ayon sa U-S, hindi dapa mangamba ang China sa ginagawang pagpapatrolya nang mga barko sa pinag-aagawang isla.

Sinabi ni US Pacific Command Commander Admiral Harry Harris, matagal na nilang ginagawa ang operasyon sa iba’t-ibang panig nang mundo sa ilalim nang Freedom of Navigation.

Binigyang diin ni Harris na hindi dapat ituring na banta sa China ang routine operation.

Nauna nang binalaan nang China ang Washington na maaaring sumiklab ang giyera kapag hindi itinigil nang Amerika ang anumang probokasyon.

Sinabi ni Harris na walang kinakampihan ang Amerika sa mga bansang nag-aagawan sa teritoryo nang South China Sea.

Speak Your Mind

*