Cleveland Cavaliers, pinataob ang Utah Jazz

Tulad ng inaasahan, tinalo ng koponan ng Cleveland Cavaliers ang number 5 sa Western Conference Utah Jazz sa pagpapatuloy ng 2015-2016 NBA Regular Season.

Pinangunahan ni Cavs Superstar Lebron James sa kanyang 31 points 8 assists at 7 rebounds, 29 points naman si Mo Williams at 22 points si Kevin Love.

Sa panig naman ng Jazz, nagkaroon ng 17 points sina Gordon Hayward at Derrick Favors habang suportado  naman ito ng tig 16 points nila Trey Burke at Rodney Hood.

Sa ngayon ay numero uno na ang Cavs sa current standings ng eastern conference sa kanilang 7-1 record.

Huling natalo ang Cavs, sa game opener nila laban sa tropa ni Derreck Rose at ng buong koponan ng Chicago Bulls.

Speak Your Mind

*