Colorum tricycles sa Calasiao, sanhi ng pagsikip ng daloy ng trapiko

Patuloy ngayon ang pagbabantay ng Calasiao Response Traffic Management (CRTM) ng mga colorum tricycles na kadalasang pasaway sa pagsasakay ng mga pasahero kahit saang lugar sa bayan.

Hiling naman ni Renato Calaunan, ang Traffic Supervisor ng CRTM sa mga pasahero na sumakay sa common terminal bilang tulong na rin sa pagmamatini ng maayos na daloy ng trapiko.

Tiniyak naman ni Calaunan na kapag mayroong nahuling drayber na lumalabag sa batas pang-trapiko ay pinagmumulta nila ito.

Inihalimbawa niya na sa paglabag na obstruction ay magmumulta ang driver ng 100 pesos para sa first offense, 200 pesos sa second offense at 300 pesos para sa third offense.

Ayon naman kay Police Supt. Joseph Dalope, ang hepe ng Calasiao na nagiging masikip ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng poblacion area dahil hindi pa tapos ang konstruksyon ng shoulder ng kalsada.

Speak Your Mind

*