Comelec, bahagya lamang ang naitalang humabol sa deadline ng registration at validation

Mahaba ang pila sa mga local comelec offices sa lalawigan ng Pangasinan noong araw ng sabado, deadline para sa registration at validation.

Ngunit ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, mahaba man ang pila ay nagbigay naman siya ng instruksyon na tapusin lang ang makakaya nila hanggang alas-nuebe.

Sa mga malalaking lugar gaya ng sa lungsod ng Dagupan ay mayroong mga natirang hindi naiproseso ang kanilang aplikasyon, ngunit konti lamang ang bilang ng mga ito.

Hiling ni Salas na maintindihan sana ng mga hindi na umabot sa cut-off ang comelec lalo’t ginawa na rin nila ang kanilang makakaya para maabot ang mga hindi pa nakapag-parehistro at nakapag-pa-validate.

Nagsagawa aniya ang Comelec ng satellite operations sa mga malls at tatlong beses rin silang umikot sa mga barangays.

Sa nakaraang dalawang linggo ay labing dalawang oras naman na bukas ang mga Comelec Offices, mula alas-otso ng umaga hanggang alas nuebe ng gabi, Lunes hanggang linggo.

Speak Your Mind

*