COMELEC-Dagupan, dinagsa sa huling araw ng pagpaparehistro

Mayroong mga hindi nakapag-parehistro at nakapag-pa-validate na pumila sa dagupan City Comelec Office nitong Sabado.

Ayon kay City Election Office Atty. Ericson Oganiza, na sinunod nila ang Alas nuebe na deadline noong Oktubre 31.

Giit ni Oganiza, na hindi na rin masisisi ang COMELEC, dahil sapat na oras na rin ang itinakda para sa registration at validation na nag-umpisa noong pang May 6, 2014.

Mahigit sa limang porsyento o anim na libo pang botante ang hindi nakapag-papa-biometrics sa lungsod ng Dagupan.

Ang mga hindi nakapag-pa-biometrics ay tatanggalin na sa listahan ng mga botante.

Speak Your Mind

*