Comelec, kinukuwestyon sa pagpayag na makapag-parehistro ang mga hindi residente

Kinukuwestyon ng kampo ni dating Governor Douglas Cagas ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa pagpayag ng mga ito na makapag-parehistro ang mga hindi residente ng kanilang bayan sa Santa Cruz, Davao Del Sur.

Ayon sa mga taga-suporta ni Cagas, biglaan ang paglobo ng bilang ng mga botante sa Santa Cruz noong 2013 kung saan sumobra ito ng halos limampung libong botante.

Ayon sa taga-pagsalita ni Cagas na si Gerry Tan, responsable rito ang kasalukuyang administrasyon ni Governor Claude Bautista.

Sinabi ni Tan na naghakot ng mga magpaparehistro si Bautista mula sa bayan ng Santa Maria Davao Oriental na ibiniyahe umano sa Ferry nitong nakaraang linggo sa huling araw ng rehistrasyon.

Si Cagas ay tatakbong governor sa ilalim ng nacionalista party kung saan ay makakalaban nito si dating Digos City Mayor at Davao del Sur Vice Governor Arsenio Latasa ng Nationalist Peoples Coalition.

Speak Your Mind

*