Comelec-Pangasinan, abala na ngayon sa paggawa ng clustering of precinct

Matapos matukoy ang bilang ng rehistradong botante sa bawat bayan at siyudad sa lalawigan ng Pangasinan ay abala na naman ang Commission on Elections (Comelec) ng pagtatalaga ng presinto ng mga botante.

Ayon kay Atty. Marino Salas, ang Provincial Election Supervisor ng Comelec-Pangasinan gumagawa na ang komisyon ng project of precinct.

Kasabay na rin ito ang paggawa ng clustering of precinct para malaman ang karga ng clustered precinct at ang ilalagay na Optical Mark Reader (OMR) machines para sa 2016 elections.

Speak Your Mind

*