Comelec, walang planong palawigin ang Voters Registration

Wala nang planong palawigin ng Commission on Elections (Comelec) ang voters registration para sa 2016 Elections.

Ito ang tiniyak ni Comelec Chairman Atty. Andres Bautista sakabila ng mga petisyon dito ng iba’t ibang grupo.

Sa ngayon ani Bautista, pinal na umano ang desisyon ng ahensiya at hindi na ito magbabago.

Ani bautista, susunod na nilang pagtutuunan ng pansin ang nalalapit na campaign period sa susunod na taon.

Samantala, sakabila ng matagumpay na “No Bio, No Boto” Campaign ay tiniyak naman ng Comelec na pagbubutihan pa nila ang kaniyang paghahanda sa eleksyon.

Speak Your Mind

*