CSC-Lingayen Field Office, hindi na tumatanggap ng aplikante para sa CSC

Walang pagbabago sa testing center at room assignment na ibinigay ng Civil Service Commission (CSC) sa mga kukuha ng Career Service Examination, Paper-and-Pencil Test (CSE-PPT) sa December 6.

Ito ang inihayag ni Romel Rivera ng (CSC)- Lingayen Field Office sa Sonshine radio kaugnay sa nakanselang CSE-PPT nitong October 18 dahil sa pananalasa ni bagyong Lando.

Sinabi ni Rivera, na dalawa ang gagamiting testing centers. ang Professional exam ay gaganapin sa Dagupan City National High School, habang ang Sub-professional exam naman ay sa Lyceum Northwestern University.

Lumabas sa isinagawang pagbisita sa mga nasabing testing centers ng CSC na walang nasirang mga classrooms sa mga nasabing paaralan.

Nilinaw din ni Rivera, na hindi na rin tumatanggap ang CSC ng aplikasyon  para sa nasabing eksaminasyon.

Speak Your Mind

*